Monday, December 05, 2005
after one month, nakapag post na din ako!!! thanks sa bagong tayong comp shop dito sa loob ng skul at tabi ng dorm... ako nga lang ang tao dito eh...hehehe...solo ko... missed blogging na huh! these past few weeks, sobrang pagod ako at di na ko halos nakakapag-aral kahit na weekends dahil sa pagpra2ctice ng gagawin ko se 25... waaaahhh....20 days na lang pala!!! di ko pa gaano ka memorize yung interpretative dance!hay... maxadong hectic ang schedule na kahit pagblo2g di ko na nagagawa... ano na bang happenings sakin??? next week, prelims na... di pa ko nagsisimulang mag-aral(sipag noh?!) halos wala ngang pumapasok sa utak ko sa lahat ng mga pinagaaralan namin ngayon eh... parang di ako ganado mag-aral ngayon... siguro naiisip ko na yung christmas vacation...hehehe.... basta parang pumapasok na lang ako para sa attendance...hay...hindi na ko makakakuha ulit ng magandang grade nito...sana lang ma-boost ulit yung energy ko para mag-aral...
bukas defense namin sa english... wala pa kaming topic...kasi naman di naman diniscuss kung anong gagawin...si "Boy Abunda" talaga oh! tapos thursday wala kaming pasok!!!! yehey!!! fiesta dito eh... kaso lang gagawa naman kami ng project sa history... saan naman kaya? hmmm...magbbyahe ako!!!! fresh air!!!! hehehe...
sige, gtg na... magre2write pa ko ng notes ko and gagawa pa ko ng assign sa chemlec... missed you guys!!!!mwah!!!
kelankaya ako ulit makakapagpost????hmmm.....
Precious ME
5:07 PM |
=-+-=
Thursday, November 03, 2005
time flies
second sem na!!!bilis talaga ng araw... parang kelan lang ako nag-apply sa la salle ngayon nasa 2nd sem na ko ng 1st year?! tapos ilang tulog lang december na!christmas time! masaya to kasi uuwi lahat ng mga tito't tita ko pati mga cousins ko.. may tribute para kay mommy eh! kakanta, sasayaw at mag-aact pa ko!ano kaya mangyayari?excited na talaga ko! kaso sigurado tataba na naman ako! yung tatlong linggong sembreak nga lang ang laki na ng tinaba ko eh...pano pa kaya yun na talagang walang gagawin kundi kumain...hay.. basta dapat may self-control...ü next big event sa buhay ko after ng christmas? my 18th birthday!!!! debut ko na!!!! bilis talaga! kaso wala pa akong plano... kasi naman yung plano ko na swimming sa laguna mukhang di pa matutuloy...mukhang Club Manila East ang bagsak ko nito ah!ayoko dun! pero sana magkaron na ko ng definite na venue para di mahirap sa akin at siyempre sa mga bisita ko db?!ü hay... ano kayang feeling ng 18?
baka last night ko na ngayon dito sa taytay before magpasukan ulit! punta kami divisoria bukas para sa isa pang malaking event tapos sa laguna na kami tutuloy at dun na ko manggagaling papuntang dorm... hay... pasok na naman! sana naman maging maganda ang second sem ko... i'll miss you all!!!! mwah!!!
Precious ME
9:24 PM |
=-+-=
Tuesday, October 25, 2005
Update!!!!
at long last! nakapag blog ulit ako! it's been a long time since i last posted.. uhm... 1 month and 21 days to be exact!naging sobrang busy kasi ako nung last few weeks ng 1st sem and hindi ko alam kung bakit, pero tinatamad akong magblog simula nung sembreak kaya ngayon lang ako nakapag-post ulit...siguro dahil na rin sa nasira ung pldt namin kaya di rin me makapagpost..ang dami na ngang mga nangyari since nung last post ko...like ung finals ko, birthday ni chelle, pagpunta sa sm (na SOBRANG DAMI ng sumama), at pagkuha ko ng grades ko kahapon... 89 nga pala ang lowest grade ko!!! (sa biolab! hmpf!!!) pero happy pa rin ako... hay... dami na talagang nangyari..
bukas bday na ni macey (happy bday macey!) kaso walang announcement kung may celebration..
eniweis... till next post! sana lang di abutin ng isang buwan ulit bago ko makapag post ulit! 2nd sem's fast approaching!!!! ibig sabihin balik aral na naman!!!!
Precious ME
9:16 PM |
=-+-=
Saturday, September 03, 2005
plain noted or being used
tagal ko ng di nakakapagblog ah! super busy kc this past few weeks... kktapos nga lang ng midterm namin... ano kayang results? sana mataas pa rin... but don sa iba, di na ko umaasa like sa bio...kc di me nkapagaral... hay... speaking of midterms... i don't know how im going to say this... mahirap din kasing magsalita ng hindi ako sigurado, mahirap din mag-judge... kaso iba kasi yung feeling ko..parang hindi na ko comfortable...kasi yesterday nung pagdating ko sa room sa last test namin, which is logic, tinawag ako nung blockmate ko... he said na tabi daw kami... it's not because may crush siya sakin but it's because of the test... you know what i mean na di ba? tapos yung sa isang incident pa.. nung magsta2rt na yung test, tinawag nung nasa likod ko na guy yung isa naming clasm8.. sabi niya, "ayos na!" then he looked at me... i don't know what to think na... kasi it's not the only time na nangyari yon...nung thursday din ganon.. sabi nung isa "nadine tabi tayo.." na ang sabi ko nalang eh hindi ako nagaral... tapos nung ma-perfect ko yung quiz namin sa religion and exempted ako sa susunod na quiz ang sabi nila "dapat lagi tayo sa likod ni nadine umuupo eh"...im not being mayabang and i know i should be happy and be flattered kasi na notice nila na hindi naman ako mahina, but it's just that i feel na napapansin lang nila ko pag may kailangan sila or pag may quiz or exam... i get along with my blockmates naman pero hindi talaga ganon yung interaction, walang malalim na bonding.. parang hi hello lang... konting asaran pero that's it.. hindi talaga ako masyadong close sa kanila...dun lang sa group of friends ko.. i told my mom about what i feel.. sabi niya hindi naman daw ako siguro ginagamit.. i should be thankful nga daw kasi noted ako and im not the one who's doing the things that they do.. na hindi daw ako yung kailangang *a**o***.. i dont have anything against my blockmates... mabait naman sila.. friendly.. i just wish lang na sana wag lang nila ko ma-notice pag may kailangan.. i like my blockmates and im starting to care for them na... i just hope na mawala na rin yung gantong feeling ko and i hope na my blockmates and i will build a deeper friendship... ^-^
*Dont have classes on monday nga pla... yahoo!!!! na move kasi yung mga may sched ng test nung last monday na holiday sa monday eh.. eh i dont have any scheduled test naman nung monday and tuesday kaya wala akong pasok sa monday!!! na gets nio ba? ano kayang gagawin ko???hehe... tapos sa tues, recollection namin! excited na ko sa mangyayari! may pinaplano kasing "proposal" (if thats how you call it pag magsasabi na ng i love you yung isang guy sa girl) yung blockmate ko eh... kasabwat nga kaming lahat, yung buong block! and ako yung hinihingan ng payo nung guy about sa gagawin niya kaya excited na ko...(proposal planner na ko?!hehe)cge, tell you na lang what happened in our reco and sa proposal sa susunod... il share din some pictures! bai!!! mwah!!!
Precious ME
11:42 PM |
=-+-=
Sunday, August 21, 2005
Happy Birthday Bro!!!
it's my kuya's birthday... 20 na siya...wala lang gusto ko lang siyang i greet dito... kaso para namang mababasa niya to... di nga niya alam kung ano site ko eh... basta... Happy birthday kuya! wish you all the best! hope na maging mas good boy ka pa! and unahan mo kong grumaduate! hehe... ingatan mo lagi sarili mo! and sana ingatan mo din si 'ate' sheena... i love you!!!! ingatan mo din yung jacket mo ha! mahal yan! pinaghinalaan pa ko nung nagtitinda na hindi sa kuya ko ibibigay yang jacket! huwag mong ipapahiram sa iba!!!! okei?! basta... i love you ulit kuya!!!! mwah!!!! HAPPY BIRTHDAY!
Precious ME
2:57 PM |
=-+-=
Saturday, August 20, 2005
DLSU-D on air
DLSU-D made its presence felt in the airwaves, through the launch of DWLS Radio- La Salle Radio 95.9 FM tagged as “Your Life's Sunshine Radio” yesterday. As an added attraction, the University Student Council invited Moonstar 88 and Parokya ni Edgar together with the Zealots and other La Sallian Pop Bands to perform for the said event. I still had my last class up to 5pm that's why I didn't had the chance to see the whole show coz it started at 3pm. when my dorm mates and i arrived at the grandstand, everybody was jumping, shouting and singing like crazy that's because nagumpisa na palang kumanta ang parokya. It was my first time to see a large crowd na 'nagwawala' dahil sa isang banda...at live pa! We were trying to squeeze in against the crowd, kaso ang dami talagang tao so we decided to just stay sa baba na puno na rin ng tao. Nung tinanggal na yung tali na humaharang sa pagpunta sa harap ng grandstand, nag-unahan lahat ng tao para mas makita si Chito, kahit yung likoran lang. And we’re one of them. Pero kahit ganon, I was able to see him. I also took a picture of him kaso malabo kasi di naman ganon kalinaw resolution ng cam ko and malayo kami. Sayang nga at di ko mailalagay dito. Parokya sang first day funk, halaga, inuman na, BULOY, yes yes show. nung sa inuman na, grabe talaga yung mga tao! nagtatalunan at nagwawala...miski mga babae... and everytime na matatapos na yung kanta "more" ang maririnig mo... nakakatuwa din nung yes yes show na yung kinakanta kasi ang kulit ni chito... tapos nung BULOY na... napatawa ako...siyempre i remembered someone eh..musta na ba?hehe... basta super hyper ang mga tao pati si chito kahit sobrang init... nakita ko pa nga yung tulo ng pawis ni chito... yung parang bagong shower siya...hehe... tapos yun, umalis na yung parokya... parang ang bastos nga nung iba eh...kasi after umalis yung parokya umalis na din yung iba kahit di pa tapos yung program... hindi pa kami umalis nung mga dorm mates ko.. nanood pa kami nung iba pang show... pero grabe... halos mabasag yata yung ear drum ko don! sobrang ingay! tinatakpan ko na nga lang yung tenga ko eh para humina ng konti... pero i can say na nagenjoy din naman ako... treat sa amin before magmidterm...sana maulit ulit at sana mas marami pang bands... I REALLY HOPE!
yun! yung station radio booth nga pala is located sa JFH 104. Operating under the management of the Communication Arts Department, airing of programs will begin on August 22, 2005. The station stays on-air from 8-5pm. Tune in!
Precious ME
5:39 PM |
=-+-=
Sunday, August 07, 2005
Satisfied
prelim exams was 2 weeks ago and our grades were given... uhmmm... i can say that im satisfied with my grades... kasi noh hindi naman ako nagkaron ng ganong mga grades nung hayskul...lalo na yung grade ko sa math... well eto nga pala grades ko....
Psychology ~ 93 = 3.50
Filipino ~ 90 = 3.25
Math ~ 94 = 3.50
Religion ~ 97 or 98 = 3.75 / 4
Biology ~ 93 = 3.50
P.E. ~ 96 = 3.75
Logic ~ 90 = 3.25
English ~ 92 = 3.50
BioLab ~ 87 :( = 3.00
Total Grade (Pre-Lim) ~ 92.55 = 3.50
di ba.... nakakapanibago! super talaga!!!! kung ganito lang ang naging grades ko nung hayskul!hay... naiisip ko nga baka mababa ang standards ng la salle kaya nakakuha ako ng ganitong mga grades eh... lalo na sa math! isa ko sa mga nakakuha ng mataas! eh dati lang eh umiiyak pa ko sa math... (credits to ms. mateo!!! :D) nabigyan pa nga ako ng ballpen ng teacher ko dahil don eh... apat kaming nabigyan ng ballpen.. super thankful ako at ganto mga grades ko...sino ba namang di matutuwa dito di ba? ang ganda ng start ng 1st sem ko sa college...sana hanggang matapos ko ang college eh ganto pa rin ang mga grades ko o mas tumaas pa... ito yung reward ko sa mga lungkot ko dahil sa malayo ako kina mama... and i can say na it's worth it! pero pagbubutihin ko pa ng husto... pwede pa kasi na mas mataas ang makuha ko eh...
may natutunan nga pala ako... nung umatend ako sa seminar ng youth on fire... techniques to get higher grades...sabi nila, you compete with yourself, not with others. totoo di ba? kasi dati ang iniisip natin kailangang matalo ko si ano, kailangan matalo ko si ganto... sabi nung speaker hindi ka daw talaga nagiimprove don. basta ang kailangan mo lang gawin is higitan yung mas nauna mong nagawa... kaya ngayon im challenging myself to get higher grades this midterm and even higher grades sa finals. ayos ba? sana magawa ko... isa pa... student mindset vs. professional mindset dito naman eh yung pagiisip ng mga studyante... di ba malimit nating sabihin na hindi natin kaya at teacher yung mga nagtuturo satin kaya alam na alam na nila... ang sabi samin, naging studyante din ang mga teacher. naging teacher lang natin sila kasi mas nauna silang nag-aral sa atin. pero kung iisipin natin, makakaya din natin maging katulad nila basta bigyan lang tayo ng time para mag-aral. pwede pa nga natin sila mahigitan di ba... basta bigyan lang nila tayo ng panahon... marami pa akong natutunan pero yan yung pinaka nagcatch ng attention ko... kasi tama talaga eh...basta...i will do my very best! pagiging 1st ever Summa Cum Laude yata ng La Salle Dasma ang aim ko noh! naks! taas ng pangarap! kala mo naman kaya...hehe... deh, i can do it!!!
Precious ME
8:26 AM |
=-+-=
0 Comments:
Post a Comment